Young and Restless

Monday, December 31, 2007

Happy New Year, goodbye 2007

since hindi ko nashare dito yung buhay ko nang dumaan ang taon 2007, lalagay ko nlang dito ang brief summary ng buhay ko sa taong 2007. pucha anu nanaman ba ito..

napakagandang taon ito para saakin, kasi ganito yun, nagsimula ako sa pag explore ng bora romblon at mindoro, marami akong nakilalang bagong kaibigan, at masaya ako dun .. dahil sa simula palng ng taong 2007 hinarap na kaagad ako ng mga bagong tao sa buhay ko. dito ko din naranasan na magtravel ng hindi yung pamilya ko ang kasama ko, dahil kung tutuusin wala na akong tinutunring na pamilya ngayon simula nung nag abroad ang aking mama, araw2 tinatanong ko sa sarili ko na bakit sa dinami daming pamilya na kailngan mgahirap bakit kabilang kami dun, bakit kailangan pang umalis si mama d2 para lang mapagaral ako sa college? bakit yung mga ibang pamilyang gumagawa ng mali sila pa ang mas binigyan ng LUCKY MOMENTS, napakaswerte nila dahil kumpleto pa ang pamilya nila, hindi mo alam kung anu ang iyong mararamdaman kung wala ang iyong ina na nagpalaki sayo twing pasko, birthday, kahit new year, nakakainggit lang.. bkit kailangang malayo siya..

pero sa lahat ng ito, nakapagsurvive ako. and i am very proud of myself. i am being domesticated na, i can live without any help of my father except for the financial cause i ain't working yet, but if that opportunity comes, at least alam ko na, hindi na saakin mahirap mag adjust sa mga gawaing bahay dahil dito palang i am being domesticated na, i know how to do the laundry, to cook, to clean my own mess *which is a very big surprise*, and to handle big amount of money.

everything's last. yan ang shout out ko sa highschool life ko ngayong taong 2007. lahat ng mga nangyari at mangyayari sa last year ko sa DCCS ay LAST NA. hindi na mauulit ulit yung mga away, bonding, pangongopya, kantahan, sayawan,super pagkavain, mga sulat, iyakan, tawanan, mga bagsak na quizzes, perfect na long test at pasang awang periodical tests, lahat LAST NA. kasi after nito, new environment nanaman.. new faces.. adjustments, minsan nkakapagod narin..
hindi ko nga feel magaral na e, hindi ko rin feel mag enroll sa lyceum. ewan ko ba parang there's this odd feeling e, hindi ko lang talaga maexplain.

i found my true love. oo na, sinasabi ko kasi ito kasi ito yung present ko. si ken, dumating siya unexpectedly. i'd loved him, and i will love him. kung baga i am contented. i want him to be with me for the rest of my life. he's just everything, he's the type of person na kung kausapin ko pag may problema ako feeling ko nakikipagusap ako sa bestfriend ko, tropa kung baga, kung may ka bonding, siya rin ang kabonding ko, siya yung kainuman ko, kapop ko sa yosi, ka chill ko sa starbucks and coffeebean, shopping mate ko. boyfriend ko at asawa ko. he is very supportive. takbuhan ko siya tlaga kapag may problem ako. siya yung nagpakilala saakin sa mundo, sa buhay dito sa Manila, siya ang nagpa understand saakin kung bakit ganito at bakit ganun, tipong hindi ko maririnig o makukuha sa mga kalevel ko.

napagusapan nga pala natin yung mga bagong tao, tama marami akong nameet at mga nakuhang advices from them, kala ko isa ako sa mga taong may malaking problema, wala papala yun, walang wala sa mga problema nila, kung baga life-changing yung type ng problem nila, at kung iisipin ang mga problem na mga naeencounter ko sa mga ka level ko eh yung niloko sila ng gf/bf nila, yung mga common, ako na ang nagsasabi sainyo wala pa yan sa problema ko at walang wala rin yan sa problema ng mga taong nakilala ko. Oo, aaminin ko bata pa ako para malaman na malaki ang problema at marami pang taong may mas hihigit pa. pero sa level kong to, napakalaki na ng diperensya ng mga taong nakilala ko sa mga ka level ko lang, to tell you, mahitap mabuhay sa mundo kung hindi ka marunong dumiskarte at lumaban, nagiging korni na ako, pero yun talaga ang totoo, kung wala kang lakas ng loob ipaglaban ang sarili mo sa mga taong sumisira sa buhay mo, habang buhay ng magiging miserable yan. matutong lumaban, umayaw, tumanggap ng pagkatalo, bumangon, mag forgive. wag na wag mong kakalimutan kumapit kay God kasi he is the center of your life, keep your faith strong. Miracles do happen if you believe that miracles exist.

ngayon, patapos na ang lahat ng mga first time ko, halos lahat kasi ng first time ko nangyari ngayong taon na to. at hindi ko na siguro kailngan pang i-elaborate ang lahat. . inaantok na ako, nakatira nanaman ako ng emperador ngayong bagong taon, sorry for the typos okay? mejo may tama narin kasi ako.

so, 2008, i welcome you. :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home